NAGKAISA! Labor Unity Statement for May Day PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Wednesday, 02 May 2012 15:01

 

Ibalik ang Dignidad ng Paggawa!  Magkaisa! Makibaka!

-          Manipesto ng NAGKAISA! sa Araw ng Paggawa 2012


Sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa ay nagbibigay pugay tayo sa kasipagan, kahusayan, katapatan at pagkamalikhain ng manggagawang Pilipino, sampu ng kanyang pamilya!

 

Ang manggagawang Pilipino ay lalong nasasadlak sa kahirapan. Ang kakarampot niyang sahod ay pilit pinagkakasya pambili ng mga batayang pangangailangan, samantalang di na siya makaagapay sa patuloy na papataas ng halaga ng kuryente, pamasahe at edukasyon.

 

Ang ambag niya sa kaunlaran ay nababalewala ng mga namumuhunang gahaman at patakaran ng pamahalaan kaugnay ng paggawa, na lagi na lamang pumapabor sa mga malalaking negosyanteng lokal at dayuhan.

 

Ang iba’t ibang oryentasyon, paniniwalang pampulitika at pamamaraan ng mga Unyon ay sumasagka sa kakayanan ng manggagawa na itaguyod ang kanyang karapatang mag-organisa, makipagtawaran, magwelga at makipag-ugnayan sa pamahalaan at ibang sektor.

 

Bilang tugon sa hamon ng panahon, nagbuklod-buklod ang mga Unyon at samahan ng manggagawa upang muling tanganan ang kapangyarihan. Niyakap natin ang ating kaibahan. Tayo ay NAGKAISA!

 

Sa ilalim ng NAGKAISA! ating ibabalik ang ganap na proteksyon at dignidad ng manggagawa—babae man o lalaki, sa pormal o impormal, pribado o pampubliko, sa loob at labas ng bansa—tungo sa marangal na trabaho!

Sa Araw ng Paggawa ay ating ipinapanawagan ang sumusunod:

 

  1. (a) Pagwawakas sa lahat ng uri ng kontraktwalisasyon ng paggawa na siya ring magpapalakas sa karapatang mag-organisa ng Unyon at makipagtawaran. Hinihiling natin sa Pangulo ang “pag-certify as urgent” ng House Bill 4853, ang Consolidated Version ng Security of Tenure Bill para sa manggagawa sa pribado (b) Kasama nito ang pagtigil sa mga Job Orders na nagpapahintulot sa pamahalaan na huwag bigyan ng panlipunang proteksyon ang mga manggagawa nito. Isinusulong natin ang Senate Bill 2875 para sa katiyakan sa paggawa ng pampublikong sektor at pagtigil sa Executive Order 366 hinggil sa rationalization.

 

  1. Pagrepaso sa mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon—lalo na sa Oil Deregulation Law na nagbibigay daan sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin. Dapat nang itigil ang  pribatisasyon ng mga natitirang ari-arian ng National Power Corporation tulad ng Agus-Pulangi Hydro_Power Complexes. Dagliang repasuhin at amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA. Repasuhin din ang Public-Private Partnership Program (PPP) ng pamahalaan at labanan ang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital at local water districts.

 

  1. Ratipikasyon, sa lalong medaling panahon ng ILO Convention 189 hinggil sa Marangal naTrabaho para sa Domestic Workers; at ang pagsasabatas ng Magna Carta for Domestic Workers na magtitiyak ng wastong pasahod, magbibigay ng benebisyo, maggagawad ng proteksyon at karapatang mag-organisa. Noong isang taon pa ito ipinangako ng Pangulo.

 

  1. (a) Sapat at agarang pagtaas ng sahod ng lahat ng manggagawa sa halagang P90.00 sa pamamagitan ng pag-uutos ng Regional Tripartite Wages ang Productivity Board o P 125.00 sa pamamagitan ng pambansang batas. Ito ay upang makaagapay ang mga manggagawa sa mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo at upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya.

(b) Kailangan din ang wastong aplikasyon ng Salary Standardization Law sa manggagawa sa publiko sa lokal at ang pagrepaso sa distribusyon ng Internal Revenue Allotment (IRA) dahil sa diskriminasyon nito sa mahihirap na munisipalidad at lalawigan.

 

  1. Pagtigil sa demolisyon habang walang bago at komprehensibong programa para sa abot-kaya at disenteng pabahay para sa mga maralita.  Kaalinsabay nito ang paglikha ng kabuhayan at marangal na trabaho sa mga komunidad na nakabatay sa isang makabayang “Industrial Plan” at agarang pagsugpo sa malawakang smuggling ng mga produktong nagkakahalaga ng P 274 bilyon kada taon, na siyang sanhi ng pagkawala ng lokal na hanapbuhay. Kailangan ding magbalangkas ang pamahalaan ng programa para sa garantisadong trabaho lalo na sa mga kabataang manggagawa.

 

  1. Kumpleto, wasto at epektibong pagpapatupad ng Magna Carta of Women, lalo na ng mga probisyon kaugnay ng representasyon, karapatan sa kabuhayan, pautang, puhunan at gynecological surgery benefits. Mahigpit na kaugnay nito ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill.

 

Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!

Mabuhay ang NAGKAISA!

Para sa dignidad ng manggagawa: NAGKAISA!

Para sa Marangal na trabaho: NAGKAISA!

Manggagawa mula sa kaliwa hanggang sa gitna: NAGKAISA!

Manggagawa na iba’t iba ang paniniwala: NAGKAISA!

Manggagawa sa Silangan, Hilaga, Timog at Kanluran: NAGKAISA!

Manggagawa sa Luzon, Visayas at Mindanao: NAGKAISA!

Manggawang Pilipino sa iba’t ibang dako ng daigdig: NAGKAISA!

Manggagawa sa buong daigdig: NAGKAISA!

 

Last Updated on Thursday, 03 May 2012 09:17
 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday209
mod_vvisit_counterThis month19776

Your IP: 54.167.250.64
,
Today: Oct 24, 2017