SONA 2012 UNITY STATEMENT, UNITY MARCH PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Saturday, 21 July 2012 15:44

Martsa para sa Alternatibong Ekonomiya

Sa Hulyo 23, 2012, sa ikatlong SONA ni Pangulong Benigno Aquino III, magmamartsa kami patungong Batasan.  Dala namin ang panawagan para sa pagkakaroon ng alternatibong ekonomiya, kapalit ng pahirap na sistema ng neoliberalismo.

Ang alternatibong ekonomiya, para sa amin, ay ekonomiyang ang pag-unlad ay pakikinabangan ng lahat.  Hindi gaya ng neoliberalismo ngayon na sadlak sa kahirapan ang marami sa kabila ng sinasabing “growth.”

Kaya anumang palamuti ang gawin ni P-Noy sa kanyang platapormang “inclusive growth,” hindi ito maramdaman ng mga Pinoy dahil hindi ang masa kundi may-ari ng mga korporasyon ang nakikinabang dito.  Halimbawa, mula 2003 hanggang 2009 ay umunlad ang ekonomiya ng average na 4.8%.  Pero ang bilang ng mahihirap ay nadagdagan pa, mula 19.8 milyon hanggang 23.1 milyon.  Ayon sa pag-aaral, kalakhan ng paglago ng GDP na ito ay napunta sa mga korporasyon  na umabot ng P3 trilyon kumpara sa PhP2.4 trilyon na napunta sa pamilyang Pilipino.

Sa katunayan, ang pinagsamang kita ng Top 40 Filipino billionaires ay umaabot ng US$47 bilyon o katumabas ng P2 trilyon.  Halos kapareho na ito ng proposed National budget para sa 2013.  Samantalang ang kita ng isang pamilya nasa bottom 30% ng ating populasyon ay umaabot lang sa P5,200 kada buwan, o P173 kada araw.  Ni hindi ito kasya para makakain ng sapat ang isang pamilya.

Ang hindi pantay na hatian o distribusyon ng yaman  ang totoong problema kung bakit nananatili ang kahirapan kahit na sagana ang istatistika ng “kaunlaran.”  Ang kasalukuyang 6% na GDP, kung gayon, ay walang saysay kung hindi rin papatak o paunti-unti lang darating sa kamay ng masa.  At ang sistema ng neoliberalismo – na kinakatawan ng mga patakarang pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon, ang nagtitiyak na anumang ang pag-unlad ng lipunan ay nasa kontrol ng pribadong sektor.

Pasan ng masang Pilipino ang bigat ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo dahil sa pribatisasyon at deregulasyon.  Dama ng lahat ang kawalan ng trabaho dahil ang estratehiya ng pamahalaan ay “private-led growth” – sa pribadong sektor magmumula ang trabaho, foreign investors ang magdadala ng trabaho.  Makikipartner na lang ang gubyerno sa kanilang intensyon sa pamamagitan ng PPP o public-private partnership ni P-Noy.  Sa katunayan, nagpautang pa tayo sa International Monetary Fund (IMF) para sagipin ang mga bangko ng Europa sa halip na gamitin ang pondo sa sariling programa.

Dahil sa pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon, walang nabuong programa sa industriyalisasyon ang mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon.  Resulta:  Kawalang trabaho.  Kalahati ng labor force ay nabubuhay sa sariling sikap o para-paraan.  Maging agrikultura ay ibinukas sa liberalisasyon. Ang land development sa mga syudad ay mas inilalaan sa pribadong ispekulasyon sa halip na gamitin sa socialized housing.  Resulta:  Kagutuman at kawalang tirahan sa milyon-milyong Pilipino.  

Pero dahil sa tingin ng mga dayuhan at mga local partner nila dito ay hindi pa sapat ang liberalisasyon ng bansa, muli na naman nilang itinutulak ang cha-cha o Charter change ngayon.  Muli tayong lulutuin sa sariling mantika na ginamit na sa atin mula pa noon.

Magsisimula at matatapos ni P-Noy ang kanyang SONA sa Lunes na walang aaminin at itutuwid sa mga pagkakamali ng neoliberal na sistemang ipinatutupad niya hanggang ngayon.  Ipagmamalaki na naman niya ang “nakakagulat” na pag-unlad ng ekonomiya, ang tagumpay ng kanyang kampanya laban kay Gloria at Corona, at mangangakong palalawakin pa ang kanyang panawid-gutom na programa sa CCT.

Kung ito din lang ang paulit-ulit nating maririnig kada taon, tapos na ang anim na taon ni P-Noy ay wala tayong makikitang bagong landas ng pagsulong.  

Kaya tuloy ang protesta.  Ang alternatibong ekonomiya ay makakamit sa nagpapatuloy na paglaban sa neoliberalismo at sa mga pahirap na patakaran nito na pribatisasyon, deregulasyon, liberalisasyon, murang pasahod at kontraktwalisasyon. -30-

* Unity Statement of various groups that will hold a 7,000-strong protest, dubbed "Martsa para sa Alternatibong Ekonomiya," on Monday, 23 July 2012, the day Pres. Benigno S. Aquino III will deliver his 3rd State of the Nation Address. Joining this protest are members of Freedom from Debt Coalition (FDC), Nagkaisa (a coalition of 45 national labor organizations including Trade Union Congress of the Philippines, Federation of Free Workers, Alliance of Progressive Labor, Partido ng Manggagawa, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, etc.), Kampanya para sa Makataong Pamumuhay (KAMP), Stop the War Coalition, Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), Partido Lakas ng Masa (PLM), Sanlakas, Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD), Alab Katipunan (AK), Katarungan, Pandayan, BISIG, Youth Against Debt (YAD), and other people's and non-government organizations.

 


 


 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday219
mod_vvisit_counterThis month19786

Your IP: 54.167.250.64
,
Today: Oct 24, 2017