Bonifacio Day Rally PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Sunday, 01 December 2013 13:42

bonifacio_day_2013

Click Photo to View Pictures


SULONG, BAYANIHANG SOSYALISMO!

 

INIAALAY namin sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio ang bagong

anyo ng sosyalismo sa Pilipinas. Ito ang tinatawag naming Bayanihang Sosyalismo.

 

Kung tatanggalin ang masalimuot na pagpapaliwanag sa diwa ng sosyalismo, matitira ang diwa

ng komunidad – o ang diwa ng solidaridad – ng bawat tao, tungo sa pagtulong sa bawat isa.Ito

ang bayanihan na hindi kumikilala ng kapalit na salapi. Ito ang bayanihan na hindi tumutulong sa

sarili lamang, o sa sarili lamang pamilya, kundi sa malawak na komunidad ng sangkatauhan.Ang

bayanihan ang diwa ng sosyalismo. AT ang sosyalismo ay bayanihan ng bawat tao.

 

Sosyalismong may lokal na kulay

Ang Bayanihang Sosyalismo ang paghanay ng mga sosyalistang Pilipino sa Sosyalismo sa ika-21

siglo. Ang bagong sosyalismo na nagwawagayway ngayon ng kanyang bandila at lumalaganap sa

Latin Amerika.Nariyan ang ‘Bolivarianong Sosyalismo’ sa bayan ni Hugo Chavez sa Venezuela.

 

Ang ‘Komyunitaryong Sosyalismo’ sa bayan ni Evo Morales sa Bolivia. Ang ‘Buen Vivir Sosyalismo’

sa bayan ni Rafael Correa sa Ecuador.Lahat ito ay sosyalismong may lokal na kulay, sosyalismong

isinulong ng kanilang nagdaang mga bayani at mga katutubong komunidad na nagsabuhay ng

egalitaryang sistema (o pagkakapantay-pantay) sa kanilang pamayanan.

 

Dapat lamang na ialay ang Bayanihang Sosyalismo sa paanan ng bayani ng masang manggagawa at

maralita na si Andres Bonifacio. Iniaalay din natin ito sa nagdaang mga bayani, babae o lalaki, na

nakibaka para makamit ang mga aral at tagumpay na kailangan ng susunod na salinlahi sa mahabang

martsa ng sangkatauhan tungo sa malayang lipunan o lipunang sosyalismo.Kabilang dito sina

Lapulapu na nakibaka sa unang mananakop na Kastila; sina Rizal, Gabriela Silang, Tandang Sora at

mga bayani ng Rebolusyong 1896; ang mga bayaning nakipag-gyera sa mananakop na Amerikano

noong 1900s; ang mga unyonista at lider ng unang organisasyong komunista sa bansa; ang mga

babae at lalaking gerilyero ng Hukbalahap at Hukbong Mapagpalaya ng Bayan; ang mga aktibista

at sosyalistang lumaban sa diktadura; at ang mga sumunod pang nagpapatuloy sa adhikain ng

mapagpalayang lipunan.

 

Bagong Sosyalismo

Sa ika-21 siglo, nagpanibagong buhay ang sosyalismo. Iwinaksi nito ang kamalian

ng nakaraan at isinulong ang bagong pundasyon ng mapagpalayang lipunan.Sa halip na sosyalismong

anti-demokratiko at otokratiko – ang bagong sosyalismo ay nagsusulong ng direktang demokrasya ng

masa at pagtatayo ng tunay na mga gobyerno ng masa.Sa halip na sosyalismong state-centered na

pinatatakbo ng mga burukratiko, ang bagong sosyalismo ay nagsusulong ng participatory democracy at

ng kaginhawahan ng bawat komunidad.

 

Ang bagong sosyalismo ay sinusukat ngayon sa lapad ng mga serbisyong panlipunan na ipinagkakaloob sa

bawat tao, kabilang ang disenteng pabahay, libreng health care, edukasyon, public transport,

affordable na pagkain, tubig, elektrisidad at iba pang pangangailangan ng tao. Sa gitna ng mga

serbisyong ito ay ang mobilisasyon sa mga tao mismo para sa pagkakaloob ng nasabing mga

serbisyo.

 

Bagong Kilusan

Isinusulong din ng Bayanihang Sosyalismo ang laban ng mga bagong kilusan para sa karapatang

panlipunan. Sentral dito ang sumusunod:Ang kilusan para sa pagpapalaya ng kababaihan, ang kilusang

feminista, kilusan sa gender equality at kilusan sa pagtatanggol ng karapatan ng LGBT

(lesbian, gay, bisexual at transgender).

 

Ang kilusan sa pangangalaga sa kalikasan at ekolohiya, o ang kilusan ng eko-sosyalismo.Ang

kilusan sa karapatang indiheniko (indigenous) at karapatan sa sariling pagpapasya ng mamamayang

Moro at iba pang inaaping grupong katutubo.

 

 

Doon sa iba pang nais mabatid ang nilalaman at layunin ng Bayanihang Sosyalimo,

may pampublikong presentasyon na gagawin sa

December 8, 1pm, sa Espesyal na Kombensyon ng PLM, sa

UP College of Social Works and Community Development (CSWCD),

UP Diliman.

 

#November 30, 2013

Last Updated on Sunday, 01 December 2013 15:18
 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday471
mod_vvisit_counterThis month13982

Your IP: 54.92.141.211
,
Today: Oct 17, 2017