Panawagan ng Partido Lakas ng Masa PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Tuesday, 26 August 2014 10:45

Panawagan ng Partido Lakas ng Masa (PLM)

 

TANGGALIN ANG PORK BARREL! ITIGIL ANG PAHIRAP SA MASA!

 

ANG PORK BARREL ay pondo ng bayan na ginagamit ng mga pulitiko sa sariling kagustuhan. Tinatawag din itong lump-sum appropriation at discretionary fund dahil pondo ito na nasa diskresyon ng mga pulitiko. Hindi dumadaan sa deliberasyon ng Kamara at Senado.

 

Kaya kung hindi direktang ibinubulsa, ginagamit itong panuhol sa local government officials (meyor, gobernador, pati opisyales ng barangay) para makakuha ng maraming boto sa eleksyon. Political patronage ang tawag dito.

 

Isa sa pork barrel ang PDAF (Priority Development Assistance Fund), kung saan tumatanggap ang bawat kongresman ng P70 milyon taun-taon, at P200 milyon naman ang bawat senador.

 

Pero ang PDAF ay hindi nauuwi sa mga proyektong pangmasa. Pinaghahatian ito ng mga pulitiko, ng mga kontratista, at mga ahensya ng gobyerno na kakutsaba nila.

 

Dati-rati, ang kickback ng mga pulitiko sa proyekto ay 20%-30% lamang. Sa pag-entra ni Janet Lim-Napoles, ang hatian ay naging 50% sa mga pulitiko, 40% kay Napoles, at 10% sa mga kakutsaba sa DBM (pinamumunuan ni Abad) at iba pang ahensya ng gobyerno. Ang proyekto ay naging ghost project na lamang. Ang lahat ng pondo ay ibinulsa na nila!

 

Ang Disbursement Acceleration Program o DAP

 

Dahil nabuko, itinigil ang PDAF noong Agosto ng nakaraang taon. Pero pinalitan naman ito ng DAP.

 

Ang DAP ay inimbento ni Budget Secretary Abad at ng Pangulong Aquino. Nang walang pasabi sa Kongreso, ginalaw nila ang “savings” ng mga ahensya ng gobyerno para mamudmod ng pera sa mga pulitiko at para mag-ipon ng pondo sa eleksyong 2016.

 

Noong July 1, nagdesisyon ang Supreme Court na ang DAP ay labag sa konstitusyon. Ayon sa korte, ang pondo ay dapat dumadaan sa deliberasyon ng Kamara at Senado at maliwanag sa umpisa pa lamang kung saan-saang proyekto ito ilalagay.

 

Nag-alburoto si P-Noy. Pinagtanggol si Abad at ang DAP.  Pinagtanggol ang buong sistema ng lump-sum appropriation at paggamit ng opisina ng Pangulo para sa political patronage.

 

Term extension at cha-cha

 

At dahil nanganganib na mawalan sila ng pondo sa eleksyong 2016 – at baka matalo pa ang Liberal Party – nanulsol si Mar Roxas at iba pang bataan ng pangulo na mag-term extension na lamang si P-Noy. Umamin si P-Noy na payag siya dito, at bukas na siya sa amendments sa konstitusyon o Cha-cha.

 

Pero kahit hindi matuloy ang term extension, hindi titigil ang pangulo na ilaban ang sistema ng pork barrel sa anumang paraan.

 

Kung tutuusin, mahaba ang pisi ni P-Noy. Meron ding tinatawag na ‘presidential pork’ na pwedeng pagmulan ng pondo. Umaabot ang pondong ito sa P1.3 TRILYON! Tinatawag itong Special Purpose Funds (kabilang ang calamity fund at iba pa), Unprogrammed Funds (kabilang ang AFP modernization fund at budget support sa government-owned and controlled corporations), at Off-Budget Funds (kabilang dito ang Malampaya fund).

 

Pero hindi pa rin magkasya dito ang pangulo. Kailangan pa rin ng DAP o dagdag na pondo na maibabalato sa kanyang mga padrino. Kailangan raw ito ni P-Noy para maipagpatuloy ang mga reporma na inumpisahan na niya.

 

Ang tanong: anong mga reporma?

 

Hindi naman natigil ang corruption sa gobyerno at puro corrupt ang nakapaligid sa pangulo.

 

Nasaan ang reporma kung kahit Freedom of Information (FOI) bill ay hindi maipasa sa Kongreso sapagkat hindi umaaksyon dito si P-Noy at puro siya pangako lamang.

 

Nasaan ang reporma kung ang Anti-Dynasty Bill ay hindi ma-endorso ng pangulo dahil dinastiya ang kanyang angkan at ang angkan ng kanyang mga kasama at kaibigan. Ngayon pa lang, puro dinastiya na ang nag-aabang na maglaban-laban sa 2016 – Binay, Roxas, Marcos, at gaya nila.

 

Walang aasahan sa gobyernong P-Noy

 

Maliwanag ang aral. Wala tayong aasahan sa gobyernong P-Noy. Gobyerno ito ng mga trapo at dinastiya. Gobyerno ito ng Pork Barrel. Gobyerno ito laban sa freedom of information.

 

Ang pinakamasaklap, gobyerno ito ng mga patakarang neoliberal. Patakaran na nagsasapribado ng natitirang ari-arian ng gobyerno, kabilang ang panlipunang serbisyo gaya ng ospital at edukasyon. Patakaran na tumutulong sa mga dambuhalang korporasyong lokal at dayuhan na kasosyo rin ang pangulo at ang kanyang angkan (gaya ng mga korporasyong hawak ni Manny Pangilinan at ng Salim Group of Indonesia).

 

Patakaran na nagpapanatili ng kontraktwalisasyon at mababang sahod sa mga manggagawa. Mataas na presyo ng mga bilihin. Mataas na buwis at VAT. Kawalan ng trabaho at pabahay. Kawalan ng serbisyong pangkalusugan. Pekeng reporma sa lupa para sa magsasaka. At marami pang pahirap.

 

Ngayo’y maliwanag kung saan tayo dinadala ng Matuwid na Daan ng pangulo. Patungo pala ito sa kumunoy ng pagdurusa at kahirapan.

 

Panahon nang kumilos muli.

 

Kailangang palitan ang gobyerno ni P-Noy hindi ng panibagong gobyerno ng mga trapo. Hindi ng mg Binay at Roxas. Kailangan ng isang gobyernong walang corruption dahil walang trapo at walang dinastiya. Isang gobyernong ‘transparent’ at may tunay na demokrasya para sa masa.

 

Isang gobyernong maglilingkod sa masa at hindi sa iilan. Isang gobyernong binubuo ng masa, pinatatakbo ng masa, at gumagawa ng mga patakarang para sa masa.

Partido Lakas ng Masa (PLM)

August 25, 2014

Last Updated on Monday, 01 September 2014 15:55
 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday171
mod_vvisit_counterThis month15173

Your IP: 54.90.159.192
,
Today: Dec 15, 2017