PLM Memo on the October 31 barangay elections (Tagalog version) PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Monday, 08 August 2016 16:00

Memo Hinggil sa Barangay Elections

Para sa lahat ng chapters at yunit ng PLM

20 July 2016

==============================

 

Ikonsolida at palawakin ang ating baseng masa,

Aktibong lumahok sa October 31 barangay at SK elections!

 

1.  Ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ay magaganap sa October 31 (Lunes) maliban na lamang kung magkakaroon ng batas na ito’y ipagpapaliban muna.

 

2. Nagsimula na ang registration para sa mga bagong botante mula July 15 at matatapos sa July 30. Sa bagong batas, ang mga edad 15 hanggang 30 ay dapat magparehisto bilang kasapi ng Katipunan ng Kabataan (KK) para makaboto sa SK election. Pero ang kandidato sa SK ay mula edad 18 hanggang 24 lamang. Lahat naman ng edad 18 pataas ay boboto sa Barangay Council elections at pwedeng kumandidato sa barangay.

 

3. Nananawagan tayo na magkampanya na sa pagpaparehistro mula July 15 hanggang 30 para makapagtipon na tayo ng mga susuporta sa ating mga kandidato sa barangay at SK elections.

 

4. Maikli lang ang panahon para sa pagsusumite ng kandidatura (COC o Certificate of Candidacy) sa eleksyon. Tatlong araw lamang ito mula October 3 hanggang October 5 (unang Lunes hanggang Miyerkules ng Oktubre). Kaya mainam na makapaghanda na ang mga tatakbo nating kandidato sa barangay.

 

5. Maikli lamang din ang opisyal na kampanya para sa barangay. Siyam na araw mula October 21 hanggang 29. Gayunpaman, ngayon pa lang ay dapat may projection na ang mga tatakbo sa barangay.

 

Halaga ng barangay elections ngayon

 

1. Ang paglahok sa barangay elections ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magpalawak ng ating baseng masa at botong masa at magtayo at magpalakas ng ating pwersa sa antas ng grassroots.

 

2. Ang lakas na ito ay mahalaga sa ating interbensyong elektoral sa pambansang antas. Hindi natin makakamit ang tagumpay sa elektoral na laban kung mananatiling nakakahon lamang tayo sa iilang barangay, iilang pagawaan, iilang komunidad, at iilang opisina. Kailangan ang ilang ulit na paglapad ng ating baseng masa (mula sa kasalukuyang ______) at paglawak ng mga barangay o komunidad na ating nabubuksan at nakikilusan.

 

3. Isipin na lamang na may 42,065 barangay sa buong bansa. Totoong marami dito ay kontrolado na ng mga trapo at ginagamit sa kanilang pakinabang. Subalit malaking bahagi nito ay may puwang pa para sa ating kampanya ng pagpapalawak sa pamamagitan ng interbensyon sa halalang barangay.

 

4. Magkaugpong din ang pagkakasa ng pakikibakang masa at interbensyong elektoral sa barangay. Pinakamainam na mailagay natin bilang mga opisyal ng barangay ang ating mga lider para mas lalong magkaroon ng otoridad ang kanilang pamumuno sa mga pakikibakang masa at mapanday sila sa pamamaraan ng lokal at komunal na pamamahala.

 

5. Maliwanag na sa maraming kasama ang halaga ng ating paglahok sa barangay elections. Ang kailangang tukuyin at pinuhin ay ang masalimuot na mga taktika ng pagpapanalo ng ating mga kandidato sa barangay elections.

 

Paghahanda at ilang taktika

 

1. Ngayon pa lamang, maglista na ng tatakbong mga kapitan ng barangay, kagawad, at mga opisyal ng SK. Magpatakbo tayo ng ating mga lider manggagawa, kababaihan at kabataan. Dahil halos nagsisimula pa lang tayo sa interbensyon sa mga barangay, buksan ang listahan sa mga alyadong nagpaplanong tumakbo sa halalan.

 

2. Unahin nating ikonsolida o lagyan ng organisador ang mga barangay na nasa erya ng ating nanalong mga lokal na kandidato noong May 9 elections. Meron tayong isang alkalde at ilang konsehal sa Samar; mga konsehal sa Cebu at Cavite; at iba pang lugar. Meron din tayong nanalong mga alyado, gaya ng vice-mayor sa Marikina, na kailangan nating kumbinsihin na magkonsolida pa ng boto sa pamamagitan ng pagkuha ng liderato sa mga barangay.

 

3. Isa pang hanay ang mga lugar na malaki ang boto ng ating mga kandidato noong Mayo 9, kahit na hindi sila nagwagi sa halalan. Maaaring tumakbo ang ilan sa kanila sa barangay, o kaya’y magplano na buksan pa ang network ng kanilang mga barangay para sa susunod nilang elektoral na laban.

 

4. Itransporma ang may 300,000 na nakuha nating boto sa ating dalawang partylist (Sanlakas at Ating Guro) bilang baseng masa. Pag-aralan kung saan nakatipon ang mga botong ito at magtalaga tayo ng mga organisador na tututok sa may malalaking bilang nito sa antas-barangay.

 

5. Kailangan natin ng malapad na makinarya ng mga organisador na tututok sa halalang barangay. Kung wala nito, hindi tayo makakaasa na mapanghawakan ang mga oportunidad sa pagpapalawak at pagpapalakas ng ating pwersa. Kailangan nating lutasin ang maraming problemang kaugnay ng pagbubuo ng makinarya ng mga organisador – mula sa usapin ng pagbubuo ng mga kadre (consol at education work) tungo sa paglikom ng pondong pangsubsidyo sa kanila.

 

6. Itransporma ang kasalukuyang network ng barangay coordinators (may 300 barangay lahat ito) bilang PLM barangay organizing team (BOT). Ang BOT ang magpaplano at mamamahala sa paglahok natin sa barangay at SK elections sa kanilang mga lugar. Maaring magsimula ang BOT sa tatlong katao bawat barangay at palakihin ito habang lumalapit ang kampanya sa eleksyon.

 

7.. Sa antas rehiyon, pangungunahan ng mga nakatayong REC ang pagpaplano sa paglahok sa barangay at SK elections.

 

Mga taktikal na linya sa barangay elections

 

1. Maraming mga isyu at kampanyang dala-dala na natin ang makapagpapadulas ng ating interbensyon sa barangay election. Kailangang mulat natin itong isulong nang nakatanaw sa mas maiigting na laban at elektoral na tagumpay sa barangay.

 

2. Noong May 9, nakapagpatakbo tayo ng mga kandidatong nagdala ng mga isyung anti-mining at anti-water privatization na nakaaapekto sa mga komunidad. Sa mga barangay na apektado, ang mga lider na nangunguna sa paglaban sa mga isyung ito ay dapat nating kumbinsihing lumaban sa eleksyon.

 

3.  Sa SK election, may espasyong nabuksan dahil sa pagbabawal ng bagong batas (RA 10742) na kumandidato sa SK ang myembro ng political dynasty o sinumang nasa second degree of affinity sa incumbent elected officials. Ibig sabihin, hindi na pwedeng tumakbo sa SK ang anak, pamangkin at pinsan ng sinumang incumbent barangay official, sinumang national official at ng sinumang lokal, provincial, at regional official na namumuno sa lugar na nais niyang takbuhan.

 

4. Piliin nating patakbuhin sa SK ang ating mga lider estudyante at kabataan at dalhin nila ang kanilang mga isyu sa komunidad at sikaping pakilusin mula dito ang mga kabataan sa barangay.

 

5.  Subalit ang pangunahing isyu na pinakamainit ngayon sa barangay ay ang binuksang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga. Higit 9,000 o 20.5% ng mga barangay sa Pilipinas ay apektado ng droga, ayon sa PDEA. Sa NCR, 92% ng mga barangay ay iniulat din ng ahensya na drug-affected.

 

6. Sa mga lugar na ito nagaganap ang matinding kampanya ng mga pulis na pumapatay sa daan-daang inakusahang pushers, users at drug lords sa komunidad. Nanatili ang nasabing kampanya at walang senyales na titigil ito papunta sa eleksyon sa barangay.

 

7. Sa isyu ng Gyera Laban sa Droga, ang ating linya ay hindi pagpatay ng mga mahihirap o naka-tsinelas na tagapagtulak o trafficker ng droga. Kung 92% barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga, pagpapakita lamang ito na ang negosyo ng droga ay halos pumantay na sa jueteng bilang bisyo at pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming tao at pamilya.

 

8. Sa madaling sabi, ang gyera laban sa droga ay hindi mawawakasan ng pagpatay ng trafficking ng droga. Mas mapatitigil ito sa estratehiya ng pagtagpas sa masterminds at pinuno ng malalaking sindikato sa droga, kabilang na ang mga heneral ng PNP.  Pero sa ultimo, ang pagpapatigil dito ay ang pagwawakas ng kahirapan sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang linya natin sa kampanya laban sa droga ay maisusuma sa islogang War on Drugs = War on Poverty.

 

9. Sa barangay election, maraming kapitan at kagawad ang maituturong kapural sa sindikato ng droga. Malamang sa hindi na matagpas sila. Mangangahulugan ito na maaaring maramihang magpalit ng mga opisyal ng barangay ngayong eleksyon. Sa mga barangay na ito, maghanda tayo ng mga lider sa komunidad na may malinis na rekord at mapagkakatiwalaan ng marami. #

 

Pangkalahatang Timeframe sa Eleksyon

 

July 15-30

Registration of new voters (Barangay at KK)

Partial list ng ating mga kandidato sa barangay elections

August

Pulong ng mga barangay coordinator sa NCRR, CL at ST

Final list ng ating mga kandidato sa barangay elections

Pulong sa mga probinsya at iba pang rehiyon

September

Barangay electoral training

Oktubre

Oct 3-5: Pagsusumite ng COCs

Last Updated on Monday, 08 August 2016 16:03
 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday457
mod_vvisit_counterThis month15725

Your IP: 54.80.148.252
,
Today: Oct 19, 2017