PLM Bulletin 1 PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Saturday, 21 January 2017 22:38

 

PLM Bulletin will now be a regular publication of PLM to cover ongoing campaigns of the organization. This issue (which will soon be translated in English) was circulated and discussed during the PLM All-Leaders Meeting at the University Hotel (UP) on January 21, 2017.

 

PLM (PartidoLakas ng Masa) BULLETIN #1

Enero 2017

================================================

 

Laman nito ang dalawang panukala sa Kongreso na lalong magpapatindi ng paglabag sa karapatang pantao, laluna ng mahihirap. Inilabas ito para makatulong sa pangangampanya ng mga lider at kasapi ng PLM.

 

I.  DEATH PENALTY BILL o House Bill No. 1: An Act Imposing the Death Penalty on Certain Heinous Crimes.

 

Minadali na i-file ang bill na ito (noon pang pagbubukas ng ika-17 Kongreso noong June 2016) at minamadali rin ito ng House Justice Committee na maipasa bago mag-Pasko. Nais nilang dalhin ito agad sa plenary session para sa 2nd and 3rd reading ng Kongreso, pero nabinbin ito dahil sa pagtutol ng marami, kabilang na ang mga human rights group, pangunahin ang iDefend, kung saan kabilang ang PLM.

 

Kung maipapasa bilang batas, ang sumusunod na heinous crimes ay pinarurusahan ng kamatayan, maaaring sa pamamagitan ng pagbibigti, firing squad o lethal injection:

  • Treason
  • Qualified piracy
  • Qualified bribery
  • Parricide
  • Murder
  • Infanticide
  • Rape
  • Kidnapping and serious illegal detention
  • Robbery with violence against or intimidation of persons
  • Destructive arson
  • Importation of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals
  • Sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution, and transportation of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals
  • Maintenance of a drug den, dive, or resort
  • Manufacture of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals
  • Possession of dangerous drugs
  • Cultivation or culture of plants classified as dangerous drugs or are sources thereof
  • Unlawful prescription of dangerous drugs
  • Criminal liability of a public officer or employee for misappropriation, misapplication, or failure to account for the confiscated, seized and/or surrendered dangerous drugs, plant sources of dangerous drugs, controlled precursors and essential chemicals, instruments/paraphernalia and/or laboratory equipment including the proceeds or properties obtained from the unlawful act committed
  • Criminal liability for planting evidence concerning illegal drugs
  • Carnapping

READ MORE...

*Sa orihinal na panukala, nakabilang sa heinous crimes ang plunder, subalit tinanggal ito sa hindi malinaw na kadahilanan ayon sa Legislative Officer ng iDefend na nagmonitor ng panukala. Idinagdag ang pagpupuslit ng 10 gramo ng shabu na madaling ipuslit sa katawan ng suspect kung gusto siyang idiin ng mga nasa otoridad.


Tutol ang PLM sa pagpapanumbalik ng death penalty sa mga sumusunod na dahilan:

 

1.  Ang death penalty ay kontra sa mahirap.  Sa pag-aaral mismo ng Supreme Court mula 1993 hanggang 2004, ang 71.77% ng death penalty decisions ng Regional Trial Courts ay mali (People vs. Mateo). Ibig sabihin, pito sa bawat 10 nasa death row ay wrongfully convicted. Lahat ng wrongfully convicted ay mga mahihirap.

 

Ayon kay Rep. Edcel Lagman, anti-poor ang death penalty dahil ang mga mahihirap ay walang kakayahang kumuha ng de-kalibreng abogado para sa kanilang kaso. At wala ring kakayahan na impluwensiyahan ang husgado. Ayon din kay Lagman, noong unang bahagi ng 2000 – sa panahon ng kampanya sa abolisyon ng death penalty – ang 73.1% ng mga bilanggo sa death row ay nasa pinakamababang saray ng lipunan, at 0.8% lamang ang nagmula sa nakaririwasang uri.

Sinabi rin ni Jose Manuel Diokno, dean ng De La Salle University Law School at kabilang sa FLAG lawyers, ang 73% ng capital offenders noon ay kumikita lamang ng kulang sa P10,000 kada buwan, 81% ay karaniwang manggagawa sa manufacturing, sales at transport sectors, at 74% ay inaresto nang walang warrant at wala ring naipagkaloob na legal assistance sa kanila sa panahon ng imbestigasyon.

 

Parehong ang extra judicial killings (EJK) at, ngayon, ang ibinabalik na judicial killings ay pag-atake sa mga mahihirap.

 

2.  Hindi totoo na mapapababa ng death penalty ang heinous crimes.

 

3. Ang epektibong deterrent sa paggawa ng krimen ay ang katiyakan na ang gumawa nito ay mahuhuli at maparurusahan. Maraming palpak sa justice system. At unang kapalpakan nito ay ang laging nakalulusot sa parusa at pagkakulong ay ang mga may kaya (gaya ng war on drugs) at ang mahihirap ang siyang tinatamaan.

 

Ang justice system ay tadtad ng katiwalian – mula sa mga nababayarang pulis at law enforcers at nababayarang prosecutors at justices. Ang corruption na ito ay mula ibaba hanggang itaas (Supreme Court). Sa ganitong palpak na justice system, hindi maaasahang makakuha ng hustisya ang mahihirap. Sa halip, sila pa ang mabibiktimang muli ng pagbabalik ng death penalty.

 

II.  LOWERING THE AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY o House Bill No. 2: Minimum Age of Criminal Responsibility Act

Tinatawag din ito ng iDefend na “Batang Bilanggo Bill”.

 

Minamadali rin ito dahil kakambal ito ng death penalty bill. Mga kapartido at kapanalig din ni Presidente Duterte ang nagpapanukala nito. Nasa House Justice Sub-Committee ito on correctional reforms.

 

Mula edad 15, ibinababa ng panukala sa edad 9 ang pwedeng maparusahan ng krimen (siyempre, pwede na ring bitayin kapag naipasa ang death penalty bill).

 

Tinututulan ng PLM ang panukalang ito dahil sa sumusunod:

 

1.  Hindi sinusugpo ng panukala ang krimen dahil maliwanag na ang mga batang mas mababa sa edad 15 (o mula edad 9) ay ginagamit lamang ng mga sindikato para sa kanilang krimen (ito mismo ang nakalagay sa panukala). Bakit hindi ang pagdiskitahan ay ang mga nagpapatakbo ng sindikato at ang mga batang ginagamit nila ay ituring na biktima na kailangang i-rehabilitate at hindi parusahan hanggang kamatayan?

 

2. Maliwanag na naman na kontra sa mahihirap ang panukalang ito. Ang mga kabataang nabubulid sa krimen at ginagamit ng mga sindikato ay nasa mahihirap na pamilya, kundiman mga palaboy sa kalsada (street children). Sa halip pagtuunan ang pagbibigay ng kalinga sa mga street children, ang panukala ay punitive at hindi restorative sa mga batang naligaw ng landas. #

Last Updated on Tuesday, 24 January 2017 15:25
 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday211
mod_vvisit_counterThis month19778

Your IP: 54.167.250.64
,
Today: Oct 24, 2017