PLM Bulletin 2 PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Saturday, 21 January 2017 22:56

This was also discussed during the PLM All-Leaders' Meeting at UP this afternoon. First time discussion of PLM leaders on ChaCha and Federalism. This will soon be published (with English translation) at the PLM website. 
==============

 

PLM BULLETIN # 2
Enero 2017

 

Laman nito ang dalawang kampanya na magkadugtong – ang kampanya laban sa ChaCha at Federalismo. Panimulang pag-aaral ito dahil hindi buo ang mga panukala ng Kongreso at Senado, laluna tungkol sa nilalaman ng ChaCha.

 

Sinasabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ang Kongreso ay itratransporma na bilang Constituent Assembly (Con-Ass) anim na buwan mula ngayon. Naglabas na rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na nagbubuo ng 25-kataong komisyon na magbabalangkas ng mga pagbabago sa Konstitusyon na isasalang sa Con-Ass.

 

I. Charter Change (CHACHA) Through Constitutional Assembly (CON-ASS)

 

Noong pagbubukas ng ika-17 Kongreso, marami ang nagsalang ng panukala na Cha-Cha sa pamamagitan ng Constitutional Convention. Ito ang gustong sistema ni Pangulong Rodrigo Duterte noon.

 

Pero nang magbago ng isip ang Pangulo at sinabing mas mainam ang pamamaraang Con-Ass, kagyat na isinalang ng kanyang alyado na si dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang House Concurrent Resolution 4. Nanawagan ito sa Kongreso at Senado na buuin sila bilang Constituent Assembly, baguhin ang 1987 Constitution at i-approve ito ng at least ¾ ng kabuuang assembly voting separately. (Ang huli ay idiniin sa House Joint Resolution 7 ni Rep. Eric Singson).

READ MORE...

ChaCha para sa federalismo at sagadsarang neoliberalismo

 

Mayroon ding House Joint Resolution 1, panukala ni Rep. Micaela Violago ng Nueva Ecija, na nagtatawag ng ChaCha para sa pagtatayo ng sistemang federalismo. Sa resolusyon, nais i-convert ang Pilipinas bilang Federal Republic na bubuuin ng 11 estado: (1) State of Northern Luzon; (2) State of Cordillera; (3) State of Central; (4) State of Metro Manila; (5) State of Southern Luzon; (6) State of Bicol and Romblon; (7) State of Western Visayas and Palawan; (8) State of Central and Eastern Visayas; (9) State of Western and Northern Mindanao; (10) State of Davao Region and Central Mindanao; at (11) State of Bangsamoro. Sa Metro Manila itatayo ang Federal Administrative Region.

 

Ang House Joint Resolution 5 at 6 naman, introduced by Rep. Henry Oaminal at Rep. Lucy Torres Gomez, respectively, ay parehong nananawagan ng ChaCha hindi lamang para sa federalismo kundi sa pagtatanggal o pag-amyenda ng protectionist economic provisions (tinatawag nilang “restrictive”) ng Konstitusyon, gaya ng Artikulo 12, 14 at 16. Ito ay pumapatungkol sa pagbabawal sa mga dayuhan na magmay-ari ng mga lupain sa Pilipinas at nagtatakda ng 60-40 equity limitation sa foreign investments. Ang ibig sabihin ng huli, 60% ng puhunan ng mga korporasyon sa public utilities, minahan, at iba pa ay dapat nasa kamay ng mga Pilipino.

 

Maliwanag na ang ChaCha ay isinusulong sa dalawang kadahilanan: (1) ang pagpapalit sa sistema ng gobyerno mula unitary system tungong federal; at (2) ang pagtatanggal ng mga ‘protectionist economic provisions’ ng Konstitusyon. Nagsisimula pa lamang ang mga pag-uusap hinggil sa federalismo, pero ang ikalawang dahilan ay matagal nang tinututulan ng marami dahil ito’y pumapatungkol sa ganap na neoliberalismo o kalayaan ng mga korporasyong dayuhan na ganap na pagharian ang ekonomiya, kalupaan, at natural resources ng Pilipinas.

 

II. Federalismo, Panimulang Pag-aaral

 

Wala pang detalyadong panukala sa Kongreso at Senado kung ano at kung paano itatayo ang federalismo sa Pilipinas. Ang mga usapin ngayon sa federalismo ay nasa antas propaganda pa lamang. Sa propaganda:

 

• Ang federalismo ay magdudulot ng kaunlaran sa mga rehiyon na napababayaan ng Imperial Manila dahil ang kanilang buwis at kita ay hindi na ipagkakaloob sa sentral na gobyerno kundi kanilang gagamitin. 
• Magkakaroon sila ng sariling parliamento o gobyerno na gagawa ng sariling mga batas para sa ikauunlad ng kanilang rehiyon o estado.
• Magbubunga ito ng kapayapaan sa buong bansa dahil aalisan ng dahilan ang Bangsamoro (o Autonomous Region of Muslim Mindanao) at iba pang nasyon o indigenous group na humiwalay dahil makakamit sa federalismo ang kanilang mga hinaing.
• Matitigil na ang paghahari ng oligarkiya (mga mayayamang angkan) na siyang kumokontrol ng gobyerno sa Imperial Manila.

 

Joint House & Senate Resolution in 2008

 

Dahil walang detalyadong panukala sa Kongreso at Senado sa hitsura ng federal system at kung paano ito bubuuin, maaaring balikan ang isinampang Joint Resolution ng House at Senado, introduced by then Sen. Aquilino Pimentel, noong 2008. May titulo itong “Joint Resolution to Convene Congress into a Constituent Assembly for the Purpose of Revising the Constitution to Establish a Federal System of Government.”

 

Ito ang maaaring modelo ng federalismo na pinagsisimulan ng PDP-Laban, ang partido ng Pangulong Duterte. Ang Joint Resolution na ito ay binuo pagkatapos ng mga komperensya na nilahukan ng maraming politiko, malamang ay kasama rin noon si Mayor Rodrigo Duterte.

 

Sa 2008 Resolution, iku-collapse ang 18 administrative at autonomous regions ng Pilipinas sa 11 federal states, at ang Federal Administrative Region ay ilulugar sa Metro-Manila. Ito ang mga federal states: (1) Northern Luzon; (2) Central Luzon; (3) Southern Tagalog; (4) Bicol; (5) Minparom (Mindoro, Palawan, Romblon, etc.); (6) Eastern Visayas; (7) Western Visayas; (8) Central Visayas; (9) Northern Mindanao; (10) Southern Mindanao; at (11) BangsaMoro.

 

*May ilang kaibahan lamang ito sa House Joint Resolution 1 na isinalang ni Rep. Micaela Violago ng Nueva Ecija.

 

Magkakaroon pa rin ng Federal Congress na bubuuin ng Senado at Kamara.

Mula sa 24 na senador ngayon, ang Senado ay magkakaroon ng 75 myembro (6 bawat federal states, o 66) at 9 na ihahalal ng overseas citizens (66 + 9 = 75). Ang termino ay maksimum na 6 na taon.

Ang Kamara ay may hindi lalagpas sa 350 kinatawan mula sa 300 legislative districts at 50 mula sa mga partylist sa federal states o regional sectoral parties o organizations. Ang termino ay 4 na taon hanggang 3 consecutive terms (kaya 12 years maximum).

 

Ang exclusive jurisdiction ng Federal Congress (ibig sabihin, hindi ipagkakaloob sa jurisdiction ng federal states) ay ang mga sumusunod:

 

(1) National security and defense; (2) Declaration of war; (3) Foreign relations including treaty ratification; (4) Foreign trade; (5) Customs and quarantine; (6) Federal currency, fiscal & monetary system, taxation, budget and audit; (7) Immigration, emigration and extradition; (8) Interstate commerce and trade; (9) Federal public works and infrastructures; (10) Federal postal and telecommunications; (11) Federal air, sea and land transportation; (12) Intellectual property & copyright; (13) Meteorology and standards of weights and measures; (14) Grants-in-Aid to States; (15) Federal census and statistics; (16) Federal loans to or from the Republic; (17) Federal penal system; (18) Cloning, genetic research and engineering; (19) Settlement of territorial and other disputes among States; at (20) Offenses defined in the penal code and laws passed by Congress.

 

Ang state legislatures naman ay may exclusive jurisdiction na gumawa ng batas sa mga sumusunod (summary):

 

1. Public health, sanitation, hospitals, dispensaries and drug rehabilitation institutions and facilities.
2. Agriculture and agricultural lands.
3. Land use and development, including urban land reform.
4. Cadastral or land surveys.
5. Taxes and duties except those reserved to the Federal Congress.
6. Fisheries, aqua-or-marine culture, swamps or marshlands.
7. Public works and infrastructures except those initiated by the Federal Government.
8. State public corporations and quasi-public corporations.
9. Trade, industry and tourism.
10. Trade relations with other countries (with restrictions).
11. Bankruptcy and insolvency.
12. Trust and trustees.
13. Compelling the attendance of local government officials, or persons doing business in the State before the State Legislature.
14. Payment of the share to State to the national public debt.
15. Courts for the governance according to the customs and traditions of the indigenous populations of the States.
16. The salaries, emoluments, and allowances of all officials and employees of the States.
17. Penalizing offenses against matters lodged within the jurisdiction of the States.
18. Police with jurisdiction over crimes or offenses committed within the boundaries of individual States.
19. Total ban or regulation of gambling activities. 
20. Local prisons, reformatories, and the like for the detention and reformation of criminals and minors in conflict with the law.
21. Transfer from one State to another of persons accused of crimes or convicted prisoners.
22. Wild animals, birds and other endangered species, State flora and fauna.
23. Mines, mineral resources, gas, gas-works excepting those located within ancestral domains.
24. Water, water supplies, irrigation and canals.
25. Economic and social planning.
26. Social security and social insurance, employment and unemployment, pension plans, social welfare projects.
27. Cooperatives, microfinance or micro-credit and money-lending activities.
28. Weights and measures.
29. Price control.
30. Labor and employment.
31. Science and technology.
32. Free education from pre-school, primary and elementary schools up to secondary schools, and subsidized colleges and universities. 
33. Libraries, museums and like institutions.
34. Charities and charitable institutions.
35. Registration of marriages, births and deaths. 
36. Pilgrimages to places outside the Republic.
37. Prohibition or regulation of production, manufacture, transport and sale of tobacco, cigarettes, beer, wine or alcoholic beverages.
38. The general welfare of the people of the States subject only to the prohibitions provided for under the Constitution or existing laws passed by Congress.

 

Sa 38 mga kategorya ng batas na nabanggit dito, may espesyal na halaga ang #30 halimbawa, ang Labor and Employment. Pinasisilip nito ang maaaring mangyari sa ilalim ng federal system.

 

Sa ilalim ng federalismo, magkakaroon ng iba’t ibang batas kaugnay ng sahod at mga karapatan ng manggagawa. Parang gaya ng Regional Wage Boards na nagtatakda ng minimum wage ngayon. Sa ilalim ng RWB, ang minimum sa mga probinsya ay bumaba nang bumaba kumpara sa Metro Manila (na mababa rin). Asahan na sa ilalim ng federalismo, may “race to the bottom” sa sahod at karapatan ng mga manggagawa.

 

Hahati-hatiin ng federal system ang kakayahan ng mga manggagawa na lumaban dahil iba-iba ang kanilang mga batas sa estado.

 

Ilan lamang ito sa mga usapin kung saan ang federalismo ay sumasalungat sa interes ng masa.

 

Mga banta ng federalismo

 

Habang ang propaganda sa federalismo ay ang pagtibag sa kapangyarihan ng Imperial Manila at ang pagbibigay ng otonomiya sa mga rehiyon sa Pilipinas, kailangang itanong:

 

1. Sino ba ang tunay na makikinabang sa federalismo? Kung hindi bubuwagin ang political dynasty, sila ang unang-unang makikinabang dito. Bawat rehiyon sa bansa ay pinaghaharian ng mga dynasty at trapo. Ang iba ay mga warlords, na may sariling private army o death squads, gaya ng Davao (Duterte), Isabela (Dy), at Escalante, Negros (Yap).

 

Hindi totoong lalabanan ng dynasty at trapo ang oligarkiya. Ang mga warlords na kalaban ng Imperial Manila ay nakikipagkutsabahan din sa oligarkiya.

 

2. Makikinabang ba ang masa sa federalismo? Kung dynasty at trapo pa rin ang maghahari, ang mga batas na ipatutupad sa mga federal states ay lalong magpapahirap sa masa. Bukod sa manggagawa, pahihirapan din ang magsasaka dahil malamang na ang mga batas sa agrikultura ay papabor sa mga asendero at real estate owners na kokontrol sa federal states. Gayundin ang karapatan ng iba pang mga sektor.

 

Ang pagbabago ay mararating lamang sa pagbaliktad ng sistemang pinaghaharian ng mga kapitalista, ng mga asendero, oligarkiya, ng mga trapo at political dynasty. Kung hindi ganito, ang paghaharing unitary ng mga trapo ay papalitan lamang ng paghaharing federal ng mga trapo rin. #

 

Last Updated on Tuesday, 24 January 2017 15:27
 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday37
mod_vvisit_counterThis month15305

Your IP: 54.167.202.184
,
Today: Oct 19, 2017