February 25 EDSA anniversary PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Sunday, 26 February 2017 08:28

Pahayag sa Ika-31 Anibersaryo ng EDSA

 

HINDI PA TAPOS ANG REBOLUSYONG EDSA!

 

PUPUNTA tayo sa EDSA, hindi para magdiwang. Kundi para ipagluksa ang paglalaho ng lahat ng pangarap at pangako ng Rebolusyong Edsa.

 

Makasaysayan ang People Power Revolution na nilahukan ng milyun-milyong Pilipino. Pero hindi natin inakala na sa dakong huli, ito ay sasaklutin ng mga elitista – tinatawag ding Dilawan – na ang tanging layunin ay ibalik ang dating sistema ng paghahari bago mag-martial law si Ferdinand Marcos.

 

Sa Edsa Revolution, nalansag ang diktadura ni Marcos subalit pinalitan ito ng demokrasyang nagsisilbi lamang sa iilan. Ang paksyon ni Marcos ay pinalitan lamang ng paksyon ng mga Dilawan.

 

Hindi nabigyan ng katarungan ang mga naging biktima ng martial law. Ang konstabularya at militar na nang-abuso sa masa ay hindi naparusahan. Ang cronies ni Marcos na sumaklot sa ekonomiya ay nanumbalik at ngayo’y naging mga pangunahing kapitan ng industriya.

 

Sa ilalim ng mga Dilawan, nanumbalik ang dating oligarkiya ng mga Lopez, Ayala, Zobel, at iba pa. Pero sumanib din ang crony oligarchy nina Lucio Tan, Henry Sy, Danding Cojuangco,  Roberto Ongpin, Tony Floirendo, at iba pa.

 

Wala na si Marcos, pero pinagdudusahan pa rin ng bayan ang mga kinurakot niya at ng kanyang pamilya. Ang mga utang na kanilang ibinulsa ay babayaran natin hanggang taong 2025.

 

Hindi masisisi ang masa na masiphayo sa paghahari ng mga Dilawan o ng mga pumalit kay Marcos dahil wala rin naman silang naipagkaloob na ginhawa sa masa.

 

Gobyerno ni Rodrigo Duterte

 

Ngayo’y nakaupo ang bagong gobyerno na sinalubong ng mainit na pagtanggap ng masa dahil nangako ito ng pagbabago.

 

 

Subalit ang gobyernong Duterte ay nagbabanta ngayon ng panunumbalik ng martial law. Bukambibig ni Pangulong Duterte na maaari niyang ideklara ang martial law kung hindi masusugpo ang krimen ng droga sa bansa.

 

Una, hindi totoo na droga ang pangunahing krisis na bumabalot sa bayan. Pangunahin pa rin ang krisis ng kahirapan, ng kawalang-trabaho, at ng kawalang-hustisya sa mahihirap. Ito rin ang dahilan ng paglaganap ng droga.

 

Ikalawa, kung may krisis man ng kriminalidad na dulot ng droga, hindi ito malulutas ng walang-patumanggang pagpatay. Ngayo’y higit 7,000 na ang bumulagta sa mga kalsada, kabahayan at eskinita ng mahihirap na komunidad. Biktima ng operasyon ng mga pulis o ng mga vigilantes.

 

Kailan matatapos ito? Kailan mabibigyan ng trabaho ang walang trabaho. Kailan masusugpo ang kontraktwalisasyon. Kailan magkakaroon ng dagdag sa sahod, murang presyo ng bilihin, lupa sa magsasaka, pabahay sa mahihirap. Kailan maipatutupad ang universal health care at free college education.

 

Araw-araw ay natutunaw ang pag-asa. Araw-araw ay lumalayo ang pangako.

 

Anong dapat gawin?

 

Ang Edsa Revolution, gaya ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga Kastila – ang rebolusyong isinulong ni Bonifacio at inagaw ng mga ilustradong gaya nina Aguinaldo – ay hindi pa tapos.

 

Kailangang tapusin ito ng masa sa isa muling pagbabangon. Isang panibagong People’s Power Revolution na hindi magluluklok ng bago o dating paksyon ng mga naghaharing uri gaya ng mga Dilawan.

 

Kundi magluluklok ng tunay na kapangyarihan ng masa. At magtatayo ng isang gobyerno ng masa, para sa masa, at ukol sa masa.

 

PLM (Partido Lakas ng Masa)

February 25, 2017

 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday889
mod_vvisit_counterThis month28303

Your IP: 54.146.59.49
,
Today: Jun 29, 2017