PLM @ Labor Day May 01, 2017 PDF Print E-mail
Written by Partido Lakas ng Masa   
Monday, 01 May 2017 15:13

PLM joined May 1 rally in Manila to demand prohibition of contractualization, other labor demands, and to campaign for socialism. PLM also supports the formation of a broad labor alliance called Paggawa, consisting of BMP, AGLO, NAFLU, SUPER and MELF.

--

Pahayag ng PLM sa Mayo 1, 2017

 

Manggagawa at maralita, ipaglaban ang ating mga karapatan!

Wakasan ang kapitalismo, ang ugat ng kahirapan at pagsasamantala!

Ikampanya ang sosyalismo!

 

Ngayon ang unang Mayo Uno sa ilalim ng pamahalaang Duterte. Ngayon ang unang Mayo Uno ng paniningil sa mga pangako ng bagong pangulo sa mga manggagawa sa bansa.

 

Unang-una sa pangako ang pagwawakas sa kontraktwalisasyon – sa halimaw na patakaran sa paggawa na nagbunga ng kawalan ng seguridad sa trabaho, endo, mababang sweldo, sobrang pang-aabuso, at pagkawala ng karapatang mag-unyon.

 

Nasaan na ang pangakong ito? Ang ibinigay ay panibagong Department Order (DO 174) mula sa Department of Labor & Employment. Hindi nito tinatanggal ang agency system na siyang puno’t dulo ng paglala ng kontraktwalisasyon. Ang hinihingi ng mga manggagawa ay ang ganap na pagbabawal ng kontraktwalisasyon sa mga trabahong kinakailangan at karapat-dapat (necessary and desirable) gaya nang ipinag-uutos ng batas.

 

Ikalawa, nakapako rin ang pangakong pagtataas ng sahod. Kasama ito sa inasahan noong Sona ni Pangulong Duterte pero ipinagpaliban dahil daw sa posisyon ng NEDA na magbubunga raw ito ng maraming layoff at pagsasara ng pabrika?

 

Kailan nagsara ang mga kumikitang kompanya? Tutuong mababawasan ang tubo ng mga kapitalista, pero ito ay makatarungan lamang dahil sa sobrang paghihikahos ng mga tunay na lumilikha ng yaman, ang mga manggagawa.

 

Wala pa rin ang pangakong mga trabaho. Ang huling ginawa ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Middle East ay isinama pabalik sa bansa ang 138 OFWs na stranded sa Saudi Arabia at wala nang trabaho.

 

Kung pagbabatayan ang sinasabing mga proyekto na nakalinyang gawin sa bansa dahil sa programa ni Pangulong Duterte, may 2 milyon daw na magkakaroon ng trabaho sa darating na 5 taon.

 

At ang 2 milyon sa loob ng 5 taon ay 400,000 na trabaho lang bawat taon ng panunungkulan ni Duterte. Sabi ng iba, mabuti na ito kaysa wala.

 

Magkagayunman, kailangang tiyakin na ang trabahong darating ay magbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na mabuhay nang disente.

 

Kaya ang kampanya laban sa kontraktwalisasyon at pagtataas ng sahod ng mga manggagawa ay magkatuwang na kampanyang dapat isulong nang mas malawakan ngayon.

 

Gayundin ang mga kampanya para sa trabaho, pabahay, murang presyo ng mga bilihin at karapatan sa pag-uunyon.

 

Habang isinusulong natin ang mga kagyat na karapatang ito, kailangang ipaliwanag sa marami na ang pagwawakas ng kahirapan at pagsasamantala sa mga manggagawa at maralita ay hindi maibibigay ng kasalukuyang administrasyon.

 

Unti-unti na itong nakikita nang marami. Si Pangulong Duterte ay isang tao lamang na nakaluklok sa pinakamataas na pwesto sa bansa. Pero ang problema natin ay ang sistemang kapitalismo na ang naghahari ay ang mga mayayaman, ang Oligarkiya, ang mga trapo at political dynasty na may hawak ng kabuhayan at kapangyarihan sa bansa.

 

Huwag maunsyami sa mga pangakong hindi maipagkakaloob ng Pangulo. Intindihin na lamang na bunga ito ng isang sistema na ang naghahari ay Kapital o ang interes sa tubo ng mga kapitalista at mga panginoong maylupa. Isang sistema na ang nakaluklok sa gobyerno mula ehekutibo hanggang Kongreso at LGUs ay mga trapo at dinastiya.

 

Kung humihingi man tayo ng kaunting ginhawa, ito’y dahil may karapatan din tayong  mabuhay. At dahil tayo ang bumubuhay sa sistemang ito mula sa ating mga pawis, buwis at boto.

 

Pero kailangan nating maintindihan na ang tunay na kalayaan para sa manggagawa at maralita ay nasa pagwawakas ng sistemang kapitalismo at pagpapalit ng sistemang sosyalismo. Isang sistema na ang maghahari ay hindi ang Tubo, hindi ang Oligarkiya, hindi ang mga trapo – kundi ang masa ng manggagawa at maralita.

 

Kasabay ng ating mga kampanya para sa kagyat na mga karapatan, ikampanya natin ang bagong sistema na papawi sa kahirapan at pagsasamantala. At magluluklok ng isang gobyerno na hindi na pamumunuan ng mga dinastiya, ng Oligarkiya, ng trapo, at ng mga kawatan. Ang gobyerno ng masa.

 

#

 

5.1.17

 

Last Updated on Monday, 01 May 2017 15:24
 

Announcements

plm_poster_congress_copy


Join the Campaigns!

 

anti-trpo icon

Anti Trapo Campaign!

 

Government of the Masses Campaign! icon

Government of the Masses Campaign!


Socialist_Feminism_Cover
Renewing Socialist Feminism

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday223
mod_vvisit_counterThis month19790

Your IP: 54.167.250.64
,
Today: Oct 24, 2017